Pinalalakas ng Philippine National Police ang koordinasyon sa mga ride-hailing at delivery firms para maiwasan ang paggamit ng identity at uniporme ng mga rider sa krimen.
Kasunod ito ng shooting incident sa Makati City kung saan dalawang motorcycle-riding suspects ang lumapit sa isang condominium manager.
Isa sa mga ito ang nakitang nakasuot ng unipormeng kaugnay ng isang motorcycle ride-hailing service.
Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., pinalalakas ang mga hakbang sa pagberipika ng rider identity, bookings at delivery instructions upang agad matukoy ang kahina-hinalang aktibidad.
Pinalawak din sa buong bansa ang naturang precautionary measures, kasabay ng pinaigting na police presence at information gathering. Hinimok ni Nartatez Jr. ang publiko at mga rider na maging mapagmatyag at agad i-report sa pulisya ang anumang kahina-hinalang insidente.