Iginiit ng Philippine Coast Guard na hindi kailangang humingi ng permiso sa China ang Pilipinas bago magsagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal.
Sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela na ang provisional understanding ng dalawang bansa ay ginawa upang makatulong sa pagbaba ng tensyon sa West Philippine Sea.
Aniya, hindi nito inaalis ang karapatan ng Pilipinas na magsagawa ng resupply operation.
Sinabi rin ni Tarriela na ang kahalagahan ng naturang arrangement ay nakadepende sa diplomatic assessment ng Department of Foreign Affairs.
Samantala, patuloy aniya ang pagsuporta ng Philippine Coast Guard sa posisyon ng national government kaugnay ng provisional understanding.