Hindi lang dapat suriin ang mga foreign trips ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. base sa gastos lamang.
Ito ang sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Assistant Secretary Analyn Ratonel sa gitna ng mga puna hinggil sa biyahe ng Punong Ehekutibo.
Ayon kay Asec. Ratonel, dapat din namang makita ang mga benepisyong hatid ng pagbiyahe ng Presidente gaya ng naiuuwi nitong mga investment at napapalawak na trade ng bansa.
Nagbubunga aniya ito ng trabaho at kabuhayan para sa mamamayan at napapalago din ang ekonomiya ng bansa.
Bukod pa dito ayon sa DFA official, ang napapatibay na ugnayan natin sa mga government at business leader ng ibang mga bansa.