Paghihiganti ang nakitang motibo ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa nangyaring pananambang sa mga sundalo sa Tipo-Tipo, Basilan noong Lunes.
Ayon kay Sec. Teodoro sangkot kasi sa kalakalan ng iligal na droga si Saddam Salik sa Mindanao na kamakailan ay nasangkot sa engkwentro habang nagsasagawa ng law enforcement operations ang mga awtoridad.
Nabatid na nasawi sa naturang engkuwentro ang asawa ni Saddam Salik, dahilan upang maglunsad ito ng pananambang laban sa puwersa ng pamahalaan.
Giit ng kaliim, malawak ang operasyon nitong si Salik na may kaugnayan sa iligal na droga na dapat na aniyang matuldukan.
Magugunitang 10 sundalo ang sugatan matapos paulanan ng bala ang kanilang military convoy sa Sitio Bauno Dagao sa Brgy. Badja.