CREATOR: gd-jpeg v1.0 (using IJG JPEG v62), quality = 90?
Malapit nang magamit ang mga bagong water treatment plant ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na magdadagdag ng suplay ng tubig.
Bahagi ito ng augmentation measures ng MWSS para ibsan ang epekto ng El Niño at mabawasan ang pag-depende sa Angat Dam.
Sa programang BOSES, sinabi ni MWSS Corporate Office Spokesperson Engr. Patrick James Dizon na inaasahang magsusuplay ang mga bagong planta ng 452 milyong litro ng tubig kada araw.