Ipinatutupad ng Department of Environment and Natural Resources ang real-time monitoring gamit ang makabagong teknolohiya upang matukoy ang mga panganib na dulot ng El Niño.
Kabilang sa mga ginagamit ang automated weather stations, satellite heat mapping, at geographic information systems.
Layunin nitong subaybayan ang panganib ng sunog sa kagubatan, coral bleaching, at kakulangan sa tubig.
Sa pamamagitan ng mga nakalap na datos, inaasahang mapabibilis ang pagtugon ng mga lokal na pamahalaan at mga field personnel sa mga lugar na nanganganib.
Inatasan din ng DENR ang mga regional office na tiyakin ang tuloy-tuloy na pangangalap ng datos at palakasin ang pagtitipid ng tubig at paghahanda sa tagtuyot. | ulat ni Rey Ferrer