Umabot na sa mahigit P765 milyon ang tulong na ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development sa mga komunidad na apektado ng tagtuyot dulot ng El Niño.
Batay sa DSWD, nasa 233,930 pamilya o mahigit 561,000 indibidwal mula sa 3,893 barangay sa siyam na rehiyon ang apektado ng matinding tagtuyot.
Kabilang sa ipinamahaging tulong ang mahigit 52,000 family food packs, iba pang pagkain at non-food items.
Nagkaloob din ang ahensya ng mahigit P732 milyon na cash assistance sa 77,260 benepisyaryo, kabilang ang mga magsasakang apektado ng pagkalugi ng pananim sa Isabela.
Samantala, namahagi rin ang DSWD ng mahigit 20,000 food packs sa mga pamilyang magsasaka sa Camarines Norte, Albay, Catanduanes at Masbate. Tiniyak ng ahensya na patuloy itong makikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang mapabilis ang paghahatid ng ayuda sa mga apektadong komunidad.