Photo courtesy of Manila Water
Kampante ang Manila Water na sapat ang kanilang kahandaan sa posibleng epekto ng matinding El Niño na inaasahang tumagal hanggang unang kalahati ng 2027.
Bahagi ng kanilang paghahanda ang pagkumpleto sa mga proyektong layong palakasin ang suplay ng tubig at mabawasan ang pag-asa sa tradisyonal na pinagmumulan nito.
Kabilang dito ang East Bay Phase 2 sa Laguna Lake na may karagdagang 200 million litro ng tubig bawat araw, at ang Kaysakat Water Treatment Plant sa Antipolo na may 220 million litro na kakayahan.
Ayon kay Manila WaterCorporate Communications Group Head Dittie Galang, layunin ng mga proyektong ito na matiyak ang sapat at tuloy-tuloy na suplay ng tubig sa mga customer sa East Zone kahit maging matindi ang tagtuyot.