Pinag-aaralan na ng pamahalaan ang posibilidad ng pagpapatupad ng alternative modes of teaching sa panahon ng El Niño.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil sa mararamdamang sobrang init, maaring hindi makapasok, unhealthy, o hindi komportable para sa mga estudyante ang pumasok sa mga eskwelahan.
Nangangamba ang Pangulo na mabawasan ang school days dahil sa sobrang init.
Dahil dito, sinabi ng Pangulo na isang opsyon ang alternative modes of teaching.
Gayunpaman, pagsusumikapan pa rin aniya ng pamahalaan at gagawan ng paraan na magkaroon ng face-to-face classes lalo’t iba pa rin ito kumpara sa remote classes.