Umaapela ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng buong suporta sa mga Pilipino para sa isang ganap na mapayapa at matagumpay na hosting ng Pilipinas sa ASEAN Summit sa November.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, ililatag ni AFP Spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla ang mga ginagawang paghahanda ng kanilang hanay para sa seguridad sa paparating na summit.
Aniya, napakahalaga ng kaganapang ito, kaya’t malaking bagay ang kooperasyon ng publiko, lalo na ang pagsunod sa mga kinakailangang hakbang at instructions mula sa mga otoridad.
“Well, ito naman po ay isang napakahalaga nga po na event na tayo po ang nagtsi-chair, so we also ask the public to cooperate with legitimate security measures and sumunod po tayo sa official channels, any instruction from authorized personnel po.” -Padilla.
Sabi ng opisyal, ang ASEAN Summit ay isang oportunidad para sa bansa na maipakita sa international partners nito, ang kakayahan na pangunahan ang isang ligtas, maayos, at secured environment para sa summit.
Ang pamahalaan, gagawin aniya ang lahat ng dapat nitong ipatupad upang maging matagumpay ng summit.
“Ito pong ASEAN summit is an opportunity for the Philippines to demonstrate that we can host our international partners in a safe, orderly and secure environment. So ang security po dito is a shared responsibility po natin, iyon pong ating government will do its part and we ask our fellow Filipinos to do theirs din po.” -Padilla.
At para maisakatuparan aniya ito nang mayroong kumpiyansa, professionalism, at confidence, kakailanganin ng gobyerno ang tulong ng mga Pilipino.
“Ang layunin po natin, hindi lamang mapanatili ang seguridad po ng mga dadalong lider at mga delegado, kung hindi matiyak din po natin na ang Pilipinas ay makakapagsagawa po tayo ng isang matagumpay na summit with professionalism, confidence and pride. And your Armed Forces of the Philippines will be there to perform our mission and our mandate to the letter po.” -Padilla. | ulat ni Racquel Bayan