Satisfied ang House prosecution panel sa naging presentasyon ng kanilang mga ebidensya laban kay Vice President Sara Duterte sa ilalim ng Article II o unexplained wealth.
Inihayag ito House prosecutor at Akbayan Rep. Chel Diokno matapos tapusin ng huling testigo ng prosecution na si forensic accounting expert Atty. Alexander Cabrera ang kanyang testimonya sa harap ng Senate impeachment court.
Sa ginawang pagsusuri at ulat ni Cabrera, natukoy ang humigit-kumulang ₱817.87 milyon na sinasabing unexplained wealth na kinabibilangan ni VP Sara at ng kanyang asawa na si Atty. Manases “Mans” Carpio mula 2022 hanggang 2025.
Sa pagdinig nitong Lunes, binigyang-diin pa ni Cabrera na maaari pang umabot sa ₱1.5 bilyon ang nasabing halaga kung gagamitan ng less conservative na formula.