Nasabat ng mga tauhan ng Police Regional Office 6 o Western Visayas-Philippine National Police (PNP) ang nasa ₱8.28 milyong halaga ng mga gamit sa iligal na pangingisda gayundin ng iba pang mga produkto gaya ng isda, troso, at uling.
Buhat ito sa 141 na ikinasang operasyon mula October 5 hanggang 11 na nagresulta naman sa pagkakaaresto ng nasa 101 indibidwal.
Ayon kay Western Visayas PNP Director, Police Brig. Gen. Randulf Tuaño, kailangang mapangalagaan ang mga likas yaman sa pamamagitan ng pinaigting na pagpapatupad ng batas at pagtutulungan ng lahat.
Hinimok ni Tuaño ang publiko na suportahan ang lehitimong pamamaraan ng pangingisda at iwasan ang mga mga produktong iligal na kinuha sa kagubatan at i-ulat ang mga nagsasamantala gayundin ang mga sumisira sa kalikasan.

