Ginarantiya ng Malacañang na walang dapat ipangamba ang ating mga kababayan sa harap ng nakaambang epekto ng super El Niño sa bansa.
Paniniguro ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, on top of the situation ang gobyerno at kumikilos ang bawat ahensiya para gawin ang kani-kanilang responsibilidad.
Mayroon ani Castro na nakatutok sa epektibong hakbang sa water management at irrigation sa pangunguna ng National Irrigation Administration (NIA), Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), at Local Water Utilities Administration (LWUA) habang gayundin sa energy and fuel supply.
Ito ay nasa balikat naman ng Department of Energy (DOE).
Kasabay nito ay binigyang-diin din naman ni Castro na kailangan pa rin ang pagtutulungan ng bawat isa na kasingkahulugan na mahalaga ang partisipasyon dito ng mamamayan laban sa super El Niño.