Ipinagtanggol ni Senate President Sherwin Gatchalian ang payo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maghanda ng balde sa harap ng posibleng epekto ng El Niño at sinabing praktikal ang mungkahi dahil maaaring magkaroon ng mga aberya sa suplay ng tubig sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Pinunto ni Gatchalian na bagama’t panahon na ng tag-ulan, pabugso-bugso pa rin ang pag-ulan kaya mahalagang maging handa ang publiko sa posibleng water interruptions.
Tiniyak din ng Senate President na may nakalaang pondo sa 2026 national budget para sa pagtugon sa El Niño, kabilang ang National Disaster Risk Reduction and Management Fund o NDRRMC Fund, at Presidential Assistance to Farmers and Fisherfolk (PAFF).
Gayunman, sinabi niyang sisiguraduhin nilang sapat ang pondo lalo’t kabilang sa mga sektor na inaasahang matinding maaapektuhan ng El Niño ang sektor ng agrikultura.
Binigyang-diin din ni Gatchalian na kailangang maging maagap ang Department of Agriculture (DA) sa paghahanda para sa posibleng epekto ng naturang weather phenomenon sa mga magsasaka at mangingisda. | ulat ni Nimfa Asuncion