Welcome kay Senate President Pro Tempore Vicente Sotto III ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang petisyon para sa indirect contempt laban sa kanya kaugnay ng kanyang mga pahayag tungkol sa desisyon ng korte sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte noong 2025.
Ayon kay Sotto, pinangangalagaan ng desisyon ang karapatan ng bawat Pilipino sa malayang pagpapahayag, lalo na sa mga usaping nakaaapekto sa bansa.
Binigyang-diin ng senador na mahalaga ang freedom of speech para mapanatili ang pananagutan ng mga nasa kapangyarihan at maiwasan ang pang-aabuso.
Nilinaw rin ni Sotto na bagama’t hindi siya sumang-ayon sa naunang desisyon ng Korte Suprema, hindi ito nangangahulugang nawalan na siya ng paggalang sa institusyon.