Aabot sa 2 milyong pasahero ang inaasahan Ng Philippine coastguard na dadagsa sa mga pantalan sa darating na UNDAS 2026.
Dahil dito itataas ng PCG sa alert status ang lahat ng operating unit nito mula October 29 hanggang November 3, 2026
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, handa na ang halos 17,000 tauhan para i-deploy sa iba’t ibang pantalan sa bansa.
Nakahanda na din ang mga floating asset at ang Deployable Response Group na binubuo ng mga rescue personnel, medic, at nurse na tutugon sa mga posibleng emergency.
Kasabay nito Tiniyak ng PCG ang seguridad sa mga pantalan sa pamamagitan ng paglalagay ng mga K9 unit na tutulong sa inspeksyon ng mga bagahe upang matukoy ang mga ipinagbabawal na gamit sa barko. | ulat ni DK Zarate