Ibinida ng Department of Justice o DOJ na napanatili ng Pilipinas ang pinakamataas na Tier 1 ranking sa 2026 United States Trafficking in Persons Report sa loob ng 11 magkakasunod na taon.
Ayon kay DOJ Undersecretary Margarita Gutierrez, ito ay patunay ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan at ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) upang tuldukan ang human trafficking.
Kabilang sa mga hakbang na ito ang pagpapatupad ng Nationwide Victim Identification System, pagpapalakas ng National Referral Mechanism, at paglulunsad ng ICAT Protect Portal.
Samantala, pinangunahan din ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglulunsad ng DOJ Karatungan Caravan sa Bulacan upang ilapit sa taumbayan ang mga serbisyo ng pamahalaan tulad ng libreng legal na tulong, notaryo, government clearances, at iba pa.
Naitala na mahigit 80,000 na kababayan na ang natulungan ng nasabing caravan.