Nasa mandato ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kung ang pag- uusapan ay ang mga dapat nitong gawing hakbang ukol sa foreign exchange at performance ng Philippine peso.
Tugon ito ng Palasyo sa mas humina pang value ng piso kontra dolyar na naitala na sa ₱63 kada isang dolyar.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, ilang dahilan din kasi kung bakit humihina ang piso kontra dolyar ay isa na dito ang nagpapatuloy pa ring krisis sa Middle East.
Nandyan din aniya ang nararamdamang El Niño na kung saan ay hagip na ang epekto sa mga magsasaka pati na sa mga mangingisda.
Ang lahat ng ito, sinabi ni Castro, ay bahagi ng pagbaba ng peso value at nakadagdag pa ang maingay na politika
Sa harap nito’y binigyang-diin ng Presidential Communications Office (PCO) official na nakatutok dito si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at kanyang administrasyon at pinag- aaralan ang mga paraan upang mapagaang ang epekto nito sa ating mga kababayan.