Ininspeksyon ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian ang ginagawang Malanday Depot ng North-South Commuter Railway (NSCR) Valenzuela–Malolos para masuri ang kasalukuyang kalagayan at mga pasilidad nito.
Ayon sa LGU, kabilang sa sinilip ng alkalde ang simulation room, kung saan matatagpuan ang train driver training system na ginagamit sa pagsasanay ng mga magiging operator ng tren.
Inaasahang magbubukas ang NSCR Valenzuela–Malolos sa 2027.
Tiniyak naman ng alkalde ang patuloy na pakikipagtulungan sa Department of Transportation (DOTr) para matiyak ang kahandaan ng mga pasilidad at sistema bilang bahagi ng pagsusulong ng maayos, ligtas, at episyenteng transportasyon para sa publiko, lalo na para sa mga taga-Valenzuela.

