Nagbigay ng direktiba si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at Department of Trade and Industry (DTI) na ipadala sa kanya ang mga hindi pa natatapos na project investment sa Clark.
Kasama sa naturang kautusan ng Pangulo ay ang mailakip sa report ang opening date ng mga unfinished Clark investment.
Ang hakbang, sabi ni Pangulong Marcos, ay para matiyak na matatapos sa itinakdang oras ang isang proyekto.
Ipinunto dito ng Pangulo na kapag nangako aniya ang investor ng isang proyekto, tungkulin aniya nilang masigurong masusunod ang napagkasunduang schedule na bubuksan ang kanilang negosyo.
