Pinasisiguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang galawan ang presyo ng mga prime commodities lalo na ngayong panahon ng Super El Niño.
Sa ambush interview kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Maria Cristina Roque sa Pampanga, sinabi nitong mahigpit ang bilin ng Pangulo na matiyak na stable ang halaga ng mga pangunahing bilihin.
Kabilang na dito ang bottled water na ayon kay Roque ay walang dahilan para magpatupad ng price freeze gayung stable ang presyo nito kasama na ang iba pang mga pangunahing produktong pangkonsumo.
At para naman sa mga umano ay nagho-hoard, walang dahilan upang ito ay gawin sabi ng kalihim gayung sapat aniya ang suplay ng mga pangunahing bilihin.