Photo courtesy of Philippine National Police
Pinaigting pa ng Philippine National Police (PNP) ang mga hakbang nito sa cybersecurity ng bansa.
Sa gitna na rin ito ng pangamba sa mga banta sa digital security mula sa ibang bansa.
Ginawa ni PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr. ang pahayag kasunod ng ulat ng IT company na Microsoft.
Batay sa ulat, ika-5 ang Pilipinas sa mga bansang madalas puntiryahin ng cyber operations na suportado ng China.
Ayon kay Nartatez, seryoso at agarang tinutugunan ng PNP ang ulat at palalakasin ang digital security ng bansa.