Umaasa ang Department of Transportation (DOTr) na ibabalik ng Kongreso ang panukalang mahigt ₱1.7 bilyong pisong pondo para sa pagpapatuloy ng operasyon ng EDSA Busway.
Layon nito na matiyak ang maayos, epektibo at mabisang mass transit para sa mga pasahero partikular na sa mga manggagawa, estudyante at iba pa.
Sa Infrastructure Forum of the Economic Journalist Association of the Philippines (EJAP), sinabi ni Transportation Sec. Giovanni “Banoy” Lopez, mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang nagsabing nakatulong ang busway sa milyon-milyong Pilipino.
Pero sa kabila nito aniya, nakauha pa rin ng “ZERO” budget ang naturang programa sa ilalim ng Nationa Expenditure Program (NEP) ng Department of Budget and Management (DBM).
Nangangamba ang kalihim na matinding pagdurusa ang naghihintay sa mga pasahero kung paninindigan ang “ZERO” budget dahil sa tiyak na maaantala ang pagpapatupad ng mga reporma, modernisasyon, at pagpapaigting ng seguridad dito.