Dinagsa ng libu-libong homebuyers ang pagbubukas ng ikalawang National Housing Expo 2026 na ginanap sa SMX Convention Center sa Pasay City nitong Lunes, Oct. 19.

Ayon sa DHSUD, umabot sa 40,000 ang nagpa-pre-register para sa unang araw ng expo, na itinuturing na pinakamalaking pagtitipon sa sektor ng pabahay at real estate sa bansa.
Matatandaang surpresa ring bumisita sa pagbubukas ng aktibidad si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na naglibot sa ilang booth ng mga kalahok na developer kasama si DHSUD Sec. Jose Ramon Aliling.
Mahigit 80 pribadong real estate company ang kalahok sa expo at may alok na humigit-kumulang 50,000 ready-for-occupancy housing units, kabilang ang mga subdivision at condominium.
Maaaring mamili ang mga interesadong pamilya ng mga bahay at condominium na kabilang sa Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino o 4PH Program.
Nag-aalok din ang mga developer ng mga espesyal na presyo, promo, at eksklusibong insentibo para sa mga bibili ng bahay.
Bukod dito, available din sa expo ang mga acquired asset property ng Pag-IBIG Fund, na may diskuwentong hanggang 30% sa winning bid price ng mga foreclosed property.
Tatagal ang National Housing Expo hanggang ngayong araw, Oct. 20.
📸 DHSUD