Isasagawa ng Department of Migrant Workers (DMW) ang kauna-unahang OFW Serbisyo Caravan sa Bahrain sa October 23-24.
Sang-ayon ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ilapit ang mga serbisyo at programa ng pamahalaan sa mga OFW, saan mang panig ng mundo.
Dito maaaring makuha ng OFWs ang tamang impormasyon at mag-avail ng mga serbisyo na may kaugnayan sa membership at benefits, social protection, financial at banking concerns, legal assistance, civil registration, at iba pang pangunahing pangangailangan.
Gaganapin ang Caravan sa Crowne Plaza Bahrain, 8AM-5PM.
Kabilang sa makakatuwang ng DMW sa isinusulong na Bagong Bayani ng Mundo – OFW Serbisyo Caravan ay DMW-MWO Bahrain, OWWA, OFW-Hospital, PhilHealth, DFA-Philippine Embassy, DSWD, PSA, SSS, Pag-IBIG, Landbank, at ARTA. | ulat ni Angela Peñalosa


