Ipatutupad ng Commission on Elections (COMELEC) ang work-from-home arrangements tuwing Lunes simula November 9 at tatagal hanggang March 29, 2027 bilang bahagi ng energy-saving efforts ng pamahalaan.
Sakop ng setup ang main at regional offices ng komisyon.
Sa ilalim nito, suspendido naman ang pagproseso at pag-isyu ng voters’ certifications tuwing Lunes at hindi rin available ang onsite overseas voter registration.
Sa kabila ng Monday work-from-home arrangement, ipatutupad ng Comelec ang regular operations mula Martes hanggang Biyernes, simula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Una nang ipinatupad ng Comelec ang naturang setup tuwing Lunes noong Abril kasunod ng deklarasyon ng national energy emergency sa gitna ng Middle East crisis.