Patuloy na isinusulong ng Department of Trade and Industry (DTI) ang trade agreements upang mapalawak pa ang market access para sa Philippine exporters.
Ito’y sa gitna ng pangamba na makaapekto sa kalakalan at pamumuhunan ang diplomatic tension sa pagitan ng Pilipinas at China.
Ayon kay Trade Secretary Ma. Cristina Roque, target ng gobyerno na isulong ang ilang kasunduan sa susunod na buwan.
Kabilang dito ang free trade negotiations sa European Union at Canada, pagrepaso sa Philippine-Japan Economic Partnership Agreement at ang trade deal sa Chile.
Tiwala si Roque na magsisilbi itong game changer para sa export industry ng bansa.
Samantala, wala pang natatanggap na ulat ang DTI ukol sa trade o investment concerns na may kaugnayan sa diplomatic tensions.