Napanatili ng Super Typhoon Rosal ang lakas nito habang nananatili sa karagatan sa silangan ng Northern Luzon.
As of 11am, huling namataan ang bagyo sa layong 845 km East ng Northern Luzon taglay ang lakas ng hangin aabot sa 215 km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 265 km/h.
Nakataas na ngayon ang Signal No. 2 sa Batanes.
Habang Signal No. 1 naman sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, eastern portion ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan, Santa Maria, Cabagan, Delfin Albano, Santo Tomas, Tumauini, San Pablo, Ilagan City, San Mariano, Dinapigue), Ilocos Norte, Apayao, at northeastern portion ng Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto).
Ayon sa PAGASA, nasa peak intensity ngayon o pinakamalakas na antas ang Bagyong Rosal at inaasahang magsisimula itong humina ngayong hapon hanggang gabi, at unti-unting magiging severe tropical storm pagsapit ng Linggo.
Batay rin sa forecast track, pinakamalapit ang Rosal sa Extreme Northern Luzon mula bukas hanggang Biyernes ng hapon. Inaasahang lalabas ito sa Philippine Area of Responsibility o PAR pagsapit ng Biyernes ng gabi o madaling-araw ng Sabado, Oct. 24.