Muli nang napakikinabangan ng mga pasahero ang bagong EDSA Busway stations sa Bagong Barrio sa Caloocan City gayundin sa North Avenue sa Quezon City.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ito ay makaraang sumailalim sa rehabilitasyon ang dalawang naturang istasyon para gawing moderno at maaluwal ang biyahe ng publiko.
Bahagi ng Phase 1 ng EDSA Busway Rehabilitation Project ang tatlong istasyon nito sa Monumento, Bagong Barrio, at North Avenue kung saan, mas pinalawak at mas magiging mabilis ang galaw ng tao.
Mayroon din itong elevator para sa mga nasa vulnerable sector partikular na ang mga Senior Citizen, Persons With Disabilities (PWDs), at mga buntis.
Una rito, ipinaglalaban ni Lopez na baliktarin ng Kongreso ang naunang desisyon nito na bigyan ng ZERO Budget ang EDSA Busway Project. Ani Lopez, naniniwala siya na isa ito sa mga epektibo, mabisa, at maaasahang transportasyon ng masang Pilipino.