Iginiit ni Senador Ping Lacson na hindi kabiguan ng diplomasya ang pagpuna sa hindi diplomatikong asal ng isang diplomat at paghiling sa gobyerno nito na ipa-recall o pabalikin ito sa kanilang bansa.
Sa isang pahayag, nanawagan si Lacson sa Department of Foreign Affairs (DFA) na panindigan ang dignidad ng bansa sa gitna ng mga post ng Chinese Embassy na bumabatikos sa mga opisyal ng Pilipinas na pumuna sa mga pahayag ni Chinese Ambassador Jing Quan.
Ayon sa senador, ang paghiling na ipa-recall ang isang diplomat ay isang marangal na paraan para mapangalagaan ang bilateral relations ng dalawang bansa.
Nauna nang ipinatawag ng DFA si Jing para pormal na iprotesta ang kaniyang pahayag na madaling mananalo ang China kung gagamit ito ng puwersa laban sa Pilipinas.