Pinag-aaralan ng Department of Transportation (DOTr) at Maritime Industry Authority (MARINA) ang pilot testing ng electric ferry sa rutang Iloilo–Bacolod at hybrid ferry sa Batangas–Calapan.
Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, layunin nitong mabawasan ang konsumo ng krudo, carbon emissions at gastos sa operasyon ng mga barko.
Purong kuryente ang gagamitin ng electric ferry, habang pinagsasama ng hybrid ferry ang diesel engine at de-bateryang electric motor.
Tinitingnan din ng MARINA ang pagkakabit ng electric o hybrid system sa mga kasalukuyang ferry.
Magkakaroon ng konsultasyon sa Iloilo sa Nobyembre 4 kasama ang mga ahensya, shipowner at development partner para talakayin ang teknolohiya, charging facilities at pagpopondo sa proyekto.