Photo courtesy of Land Transportation Office
Patuloy na tinututukan ng Land Transportation Office (LTO) ang talamak pa ring mga colorum na sasakyan at mga taxi driver na nangongontrata at naniningil nang sobra sa mga pasahero partikular sa NAIA.
Sa isinagawang law enforcement operation sa NAIA Complex nitong Miyerkules, aabot sa 11 taxi ang nahuli at naisyuhan ng Temporary Operator’s Permit (TOP) dahil sa mga paglabag may kaugnayan sa kanilang prangkisa.
Giit ni LTO Asec. Markus Lacanilao, dapat na maging patas ang pamasahe at maayos ang serbisyong natatanggap ng bawat pasahero.
“Isa lamang ito sa mga hakbang ng LTO upang matiyak na sumusunod sa batas ang mga taxi driver at operator. Gagawin namin ang aming tungkulin upang matiyak na maayos ang serbisyo at hindi naaabuso ang mga pasahero,”
Dahil dito, tiniyak ng LTO chief na paiigtingin pa nito ang mga law enforcement operation laban sa mga taxi driver at operator na lumalabag sa mga batas at regulasyon para maprotektahan ang mga pasahero laban sa pananamantala.