Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na may sapat na pondo ang pamahalaan para sa repatriation at iba pang tulong sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) hanggang sa katapusan ng 2026.
Ayon kay Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac, ginagamit ang ₱3 bilyong supplemental budget na unang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Hulyo upang pondohan ang operasyon, pagsagot sa pamasahe, pagbibigay ng tulong pinansyal at accommodation assistance para sa mga apektadong manggagawa.
Kabilang sa mga nabigyan ng tulong ang mga OFW na naapektuhan ng kanselasyon ng flight sa rutang Riyadh–Manila at mga pasaherong patungong Riyadh na na-divert sa Jeddah.
Gayundin ang mga manggagawang na-stranded sa Maynila matapos makansela ang kanilang biyahe.
Bagama’t bumaba na ang bilang ng mga OFW na nangangailangan ng tulong dahil sa mga kanselasyon, patuloy ang DMW at OWWA sa pagbibigay ng kinakailangang financial at accommodation assistance habang inaayos ang kanilang mga biyahe.