Binalaan ng National Police Commission ang mga criminology intern na lumalabag sa batas trapiko, kabilang ang hindi pagsusuot ng helmet.
Ayon kay NAPOLCOM Commissioner Rafael Calinisan, hindi ipoproseso ang kanilang aplikasyon bilang pulis at hindi rin sila papayagang kumuha ng NAPOLCOM examination.
Hinimok ang publiko na kunan ng larawan ang mga lumalabag at i-tag ang social media pages ng NAPOLCOM o ipadala ang mga ito sa private message.
Nanawagan din si Calinisan sa mga paaralan na maagang salain ang mga hindi karapat-dapat maging pulis.
Giit niya, dapat ayusin ang curriculum at tiyaking hindi nagiging diploma mill ang mga paaralan ng criminology.