Suportado ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang panawagang itaas ang taripa sa inaangkat na baboy upang protektahan ang local hog raisers sa bansa.
Layunin ng Department of Agriculture na maibsan ang pagkalugi ng mga lokal na magbababoy dahil sa murang imports at mababang farmgate prices.
Iminumungkahi ng SINAG na ibalik sa 30% ang taripa sa in-quota imports at 40% sa out-quota imports.
Nais din ng grupo na pansamantalang suspindihin ang karagdagang pork imports sa loob ng 120 araw.
Target ng DA na ihinto pagsapit ng kalagitnaan ng Nobyembre ang pag-isyu ng import clearances para sa piling pork cuts hanggang Enero.
Gayunman, kailangan pa ng aksyon ng Tariff Commission at iba pang ahensya para maitaas ang taripa.