PHOTO MSWDO Rizal Nueva Ecila
Isinasaayos ang suplay ng tubig sa Project LAWA at BINHI sa Barangay Casilagan, Rizal, Nueva Ecija, bilang paghahanda sa mga posibleng epekto ng Super El Niño.
Matagumpay na naisagawa ang pagsasaayos ng balon na nilagyan ng solar-powered water pump at water pump machine. Katuwang sa proyekto ang Lawa at Binhi Farmers Association o LABFA, Municipal Social Welfare and Development Office, at mga partner beneficiaries.
Suportado ang hakbang ng lokal na pamahalaan sa pangunguna nina Mayor Trina Andres at Vice Mayor Lito Andres.
Bukod sa pagpapanatili ng pinagkukunan ng tubig, patuloy din ang pag-aayos ng mga taniman, pag-aalaga sa mga pananim, at pag-aani ng gulay sa lugar.
Layunin ng mga gawaing ito na mapanatili ang produktibidad ng proyekto at ang suplay ng masustansiyang pagkain para sa mga benepisyaryo at komunidad.
Patuloy ang pagtutulungan ng mga benepisyaryo at lokal na pamahalaan sa paghahanda sa posibleng epekto ng Super El Niño.