Lalawigan ng Cagayan at Ifugao ang pupuntahan ngayong araw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para pangunahan ang inagurasyon ng dalawang pump irrigation project.
Alas-9 ng umaga unang pupuntahan ng Pangulo ang pagbubukas ng Pamplona Solar Pump Irrigation System sa Barangay Gutta, bayan ng Pamplona sa Cagayan.
Makatutulong ang nasabing solar-powered pump sa paghahatid ng tubig sa mga sakahan at masuportahan ang produksyon ng palay at iba pang pananim.
Alas-11 ng umaga naman ang schedule ng Pangulo sa Barangay Sto. Domingo, Alfonso Lista Lalawigan ng Ifugao para pangunahan ang pagbubukas ng Alfonso Lista Pump Irrigation Project.
Kaugnay nito, nabanggit ng Pangulo noong nakaraang Biyernes na nakapagtayo na ang pamahalaan ng humigit-kumulang 3,000 Solar Pump Irrigation Systems sa buong bansa habang nasa 70% ng irrigable lands ay irrigated na.