Personal na ibababa ng Presidential Communications Office (PCO) sa iba’t ibang sektor ng komunidad ang mga programa ng gobyerno sa gitna ng pagnanais ni Pangulong Ferdinad R. Marcos Jr. ng “strong presence on the ground” ng pamahalaan.
Ito ang inihayag ni PCO Secretary Lino Cayetano na hindi lamang iba’t ibang digital platforms at online communication ang gagawing istratehiya ng kanilang tanggapan upang maipakalat sa mga Pilipino ang proyekto at programa ng gobyerno.
Asahan na, ani Cayetano, na sa mga susunod na araw ay “on the ground” ang puwersa ng Presidential Communications Office upang personal na makaharap ang ating mga kababayan.
Target aniya nilang magkaroon ng personal na pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral sa unibersidad, barangay at iba’t ibang komunidad upang mas malalim pang maipa- alam ang mga ginagawa ng pamahalaan.
Ia-apply, aniya, nila ang pagkakaroon ng analogue office na kasingkahulugan ng pagbaba sa komunidad para ipaliwanag ang mga polisiya ng pamahalaan at direktang makinig sa mamamayan.
Ito, aniya, ang nais ni Pangulong Marcos sa kanyang mga gabinete sa harap ng kagustuhang dapat na maramdaman ng tao ang presensiya ng gobyerno.