Walang timeline na ibinigay si Presidential Communications Office (PCO) Secretary Lino Cayetano, partikular sa kung kailan dedesisyunan ang Courtesy Resignation na isinumite ng mga appointee sa PCO.
Ayon kay Cayetano, daraan sa proseso ang mga naisumiteng kusang pagbibitiw ng mga kinauukulan na aniya’y karaniwan naman sa tuwing may pumapasok na liderato sa isang ahensiya.
Maaaring tumagal lang aniya ng araw ang pagsusuri at proseso sa Courtesy Resignation ng iba habang posibleng linggo o buwan pa ang itagal naman ng iba.
Paniniguro ni Cayetano, araw-araw ang magiging evaluation sa mga Courtesy Resignation na nasa kanyang tanggapan.
Isa lang naman aniya ang kanilang objective sa nasabing hakbang at ito ay mapaganda ang mandato ng PCO.