Binigyang-diin ng Malacañang na hamon sa pamunuan ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Melencio Nartatez ang pagkakadakip kay Senador Bato dela Rosa.
Sa harap na din ito ng posibilidad na may impluwensiya pa din si Dela Rosa sa PNP bilang dating pinuno nito dahilan para mahirapang madakip ang senador.
Inihayag ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na kung may nakikita si Nartatez na kasamahan niya sa PNP na sumusuway sa utos ni Pangulong Ferdinamd R. Marcos Jr. para hulihin si Senador Bato ay dapat itong kumilos.
Kung mapapatunayang sadyang may pasaway na mga pulis na nagsisilbing dahilan ng hindi pagkakahuli sa mambabatas ay hindi aniya mag-aatubili ang pamahalaan na ito’y makasahuhan.
Dagdag ni Castro, hindi pwedeng magtulug-tulugan dito ang Kapulisan at kailangan nitong gampanan ang kanilang trabaho.