Inaprubahan ng Investment Coordination Committee-Cabinet Committee (ICC-CC) ang ang Samal Island-Davao City Connector Project na naglalayong mapabilis ang biyahe at mapabuti ang koneksyon sa pagitan ng Davao City at Samal Island.
Layon ng proyekto na magtayo ng 4.76-kilometer toll-free bridge na magkokonekta sa Davao City at Island Garden City of Samal (IGACOS) sa kahabaan ng Pakiputan Strait.
Bibigyan-daan nito ang mas madaling access sa hanapbuhay, paaralan, pamilihan, at mahahalagang serbisyo para sa mga residente ng dalawang lugar.
Ngayong aprubado na ng ICC-CC ang panukalang infra project.. isusumite na ito sa Economy and Development Council para sa pinal na pag-apruba.
Ang pulong ay pinangungunahan ni Finance Secretary Frederick Go bilang co-chair ng committee kasama ang kinatawan ng mula sa Office of the Executive Secretary (OES), Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev), Department of Budget and Management (DBM), Department of Energy (DOE), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

