Photo courtesy of Manila PIO
Alinsunod sa direktiba ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, nakahanda na ang mga wheelchair para sa mga senior citizen, persons with disabilities o PWDs, at iba pang indibidwal na nahihirapang maglakad.
Ayon sa Manila Public Information Office, layunin ng serbisyong ito na matulungan ang mga nangangailangan ng suporta sa kanilang pagdalaw sa sementeryo upang alalahanin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Pinangungunahan ni Manila North Cemetery Director Daniel “Dandan” Tan ang paghahanda ng naturang serbisyo
Ito ay bilang bahagi ng mga hakbang ng lokal na pamahalaan para sa maayos at ligtas na paggunita ngayong Undas 2026.