Naglabas ang Philippine National Police (PNP) ng mga hotline na maaaring tawagan ng publiko sakaling may impormasyon sa kinaroroonan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa.
Ito ay para mas madaling matunton at madakip ang senador.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, inilabas ni PNP Spokesperson PCol. Allen Rae Co ang mga numerong maaaring tawagan kabilang dito ang:
Globe:
0927-307-3501
0995-512-2729
0945-611-5926
Smart:
0999-361-9878
0960-692-3025
Tiniyak naman ni Co na mananatiling confidential ang pagkakakilanlan ng magbibigay ng impormasyon.
Nananatili rin ang ₱50 milyong pabuya na inilaan ng pamahalaan para sa ikadarakip ng senador.
Ayon pa kay Co, tuloy-tuloy ang paghahanap kay Dela Rosa, na pinaniniwalaang nasa bansa pa rin. Pero hanggang ngayon, wala pa ring senyales ng kanyang pagsuko o surrender feeler.
Nagbabala rin siya na mahaharap sa kaso ang mga magtatangkang mag-prank o magbigay ng maling impormasyon.
“We have to warn prank callers dito sa mga hotlines natin will be end goal of obstructing, giving false information to flood our hotlines you will be held criminally liable kapag ang purpose talaga is guluhin, mapuno or maflood. This is an official law enforcement resource ito pong numbers na ito and you can be criminally charged kapag nilaro laro niyo ito,” ani Co.
Matatandaang mapapaso na ang isang linggong ultimatum na ibinigay kay Dela Rosa sa araw ng Biyernes.