Asahan na ang magkahalong paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo base sa impormasyon mula sa oil industry sources.
Base sa full-week trading ng Mean of Platts Singapore (MOPS) at foreign exchange averages posibleng pumalo sa P0.80 hanggang P1.00 ang rollback sa kada litro ng diesel.
Pagtaas naman na maglalaro sa P2.00 hanggang P2.20 ang mararamdaman sa kada litro ng gasoline.
Bumaba ang presyo ng diesel dahil sa mas magandang suplay na dulot ng mga stock release, pati na rin ang mga export mula sa China at Russia.
Sa kabilang banda, nanatiling masikip ang supply balances ng gasolina sa Asya sa kabila ng pagpapalabas ng Chinese export quotas. Ito ay dahil sa mas mataas na imported costs ng krudo na nagpapabigat sa regional refining economics.