Asahan na ang mabigat na trapiko sa ilang bahagi ng Pasig City mula alas-10 ng gabi bukas, November 4 hanggang ala-5 ng umaga ng Sabado, November 7.
Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), ibabiyahe kasi ang isa sa mga tunnel boring machine na ginagamit sa pagbungkal ng lupa para sa Metro Manila Subway Project.
Kabilang sa mga daraanan ng tunnel boring machine ay ang Julia Vargas Avenue na magkakaroon ng pagbabagal ng trapiko tuwing alas-10 ng gabi hanggang ala-1 ng madaling araw..
Mararanasan naman ang pagbagal sa E. Rod Avenue ng 12 AM hanggang 3AM, Pasig Blvd ng 1AM hanggang 3AM, Capt. Henry Javier ng 2AM hanggang 4AM, at Meralco Avenue ng 3AM hanggang 5AM.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na planuhing maigi ang kanilang biyahe mamaya at humanap na ng alternatibong ruta.
Humingi naman ng paumanhin at pang unawa ang DOTr sa abala na maidudulot ng pagbyahae ng tunnel boring machine.