Magpupulong sa susunod na linggo ang mga kinatawan ng Washington, Kyiv, at Moscow sa layuning matuldukan na ang mahigit apat na taong digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Sa isang social media post, inanunsyo ni U.S. envoy Steve Witkoff ang nakatakdang pulong ng tatlong bansa sa Abu Dhabi mula Nobiyembre 10-11. Tatayuan ng Estados Unidos ang pulong bilang mediator o tagapamagitan sa sigalot ng Russia at Ukraine.
Ayon kay Witkoff, pag-uusapan sa pulong ang post-war security agreements, pagpapababa ng tensyon sa pagitan ng magkaaway na panig, humanitarian measures, at pagtatapos ng digmaan.
Ang naikasang pag-uusap ay kasunod ng mga nagdaang pakikipagpulong ni Witkoff sa mga opisyal ng Ukraine at Russia para tuluyan nang matigil ang digmaang kumitil ng libo-libo at nagpapaantala sa galaw ng mga importanteng kalakal.
Bago ang trilateral talks, may mga inilalatag ding pulong ang Amerika sa ilang bansa sa Europa bilang bahagi ng security guarantees para sa Ukraine at sa hinaharap ng buong rehiyon.