Walang naitalang nastranded na pasahero ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board–National Capital Region o LTFRB-NCR sa ikinasa nitong anim na araw na Oplan Undas 2026.
Batay sa monitoring nito, naging maayos at tuloy-tuloy ang serbisyo ng mga bus ng GV Florida at Victory Liner.
Wala ring naitalang paglabag sa ilalim ng Oplan Isnabero, na nakatuon sa pagbabantay sa operasyon ng mga taxi at iba pang pampublikong sasakyan.
Kahit naman matapos na ang Undas, tiniyak ng LTFRB-NCR tuloy-tuloy ang gagawing pagbabantay para matiyak ang ligtas, at maayos na biyahe ng publiko, gayundin ang proteksyon ng mga pasahero laban sa mga ilegal at mapang-abusong gawain ng mga operator at driver.