Pinuna ni Gabriela Party-list Representative Sarah Elago ang Meralco dahil sa posibleng muling pagtaas ng singil sa kuryente bunsod ng paghina ng halaga ng piso kontra dolyar.
Ito ay matapos umabot sa panibagong record low na ₱64.17 ang palitan ng piso kontra dolyar nitong Martes, November 3, na inaasahang magpapataas sa gastos sa power generation.
Ayon kay Elago, hindi dapat awtomatikong ipinapasa sa mga konsyumer ang bawat paggalaw ng presyo sa merkado.
Giit niya, hindi naman tumataas ang sahod ng mga manggagawa sa tuwing may dagdag-singil sa kuryente, kaya mga ordinaryong pamilya na naman ang higit na maaapektuhan.
Hinimok din niya ang Energy Regulatory Commission o ERC na masusing suriin ang anumang panukalang taas-singil at tiyaking makatwiran at may sapat na dokumentasyon ang mga gastusing ipapasa sa mga konsyumer.
Hirit din niya na alisin na ang mga hindi kinakailangang singil gaya ng VAT at systems loss charge upang maging mas abot-kaya ang kuryente.