Dumalo si Uyugan Mayor James Richard C. Cabugao sa Ceremonial Turnover of the Disaster Rehabilitation and Reconstruction Assistance Program to Local Government Units na ginanap sa Heroes Hall sa Malacañang Palace kahapon, November 5, 2026.
Kabilang ang Bayan ng Uyugan sa mga benepisyaryo ng 2026 National Disaster Risk Reduction and Management Fund – Disaster Rehabilitation and Recovery Assistance Program (NDRRMF-DRRAP) na nagkakahalaga ng ₱20 milyon.
Ang tulong na ito ay inilaan bilang direktang suporta mula sa Pambansang Pamahalaan upang suportahan ang mga pagsisikap ng mga lokal na pamahalaan sa rehabilitasyon at pagbangon.
Umaasa naman ang kasalukuyang administrasyon na magiging epektibo ang paggamit sa pondong ito, alinsunod sa mga umiiral na batas, tuntunin at regulasyon ng pamahalaan hinggil sa budgeting, accounting at pag-audit.
— Ulat ni May Anne Bata/RP Batanes
Photos by Municipal Government of Uyugan
