Photo courtesy of QCinema
Ipinakilala na ng QCinema International Film Festival ang lineup ng mga pelikulang kalahok sa ika-14 nitong edisyon, na gaganapin mula November 13 hanggang 22, 2026, sa limang piling sinehan sa Metro Manila.
Sentro ngayong taon ang konseptong “Genre’teurs,” na pinagsasama ang mga salitang genre at auteur o ang pagkakaroon ng natatanging estilo at pananaw ng isang filmmaker sa paglikha ng pelikula.

Ayon kay QCinema Artistic Director Ed Lejano, layunin ng konseptong ito na itampok ang mga pelikulang gumagamit ng mga pamilyar na genre ngunit may sariling interpretasyon at malikhaing pagkakakilanlan ng mga direktor.
Pangunahing competition section ng festival ang Asian Next Wave, na nagtatampok ng walong pelikula mula sa iba’t ibang bansa sa Asya. Narito ang mga pelikulang kalahok sa bawat seksyon:
ASIAN NEXT WAVE
- 9 Temples to Heaven — Sompot Chidgasornpongse
- A Girl Unknown — Zou Jing
- Ella Arcanghel: Awit ng Pangil at Kuko — Mervin Malonzo
- Hearing — Lê Bảo
- Fujiko — Taichi Kimura
- Fruit Gathering — Aung Phyoe
- The Burning Giants — Phuttiphong Aroonpheng
- The World Before — Yoon Da-bi
NEW HORIZONS
- Angh — Theja Rio
- Baby Jackfruit Baby Guava — Nông Nhật Quang
- Beach Fictions — Lim Ha-yeon
- Furies — Rami Kodeih
- La Gradiva — Marine Atlan
- Sad Girlz — Fernanda Tovar
- The Color of the Sun — Xavier Tera
- We Are Aliens — Kohei Kadowaki
RAINBOWQC
- Big Little Things — Michelle Zhou
- Flesh and Fuel — Pierre Le Gall
- I Rarely Wake Up Dreaming — Isabelle Stever
- Jim Queen — Marco Nguyen at Nicolas Athané
- Little Trouble Girls — Urška Djukić
- Lovers in the Blue Night — Anuparna Roy
- Teenage Sex and Death at Camp Miasma — Jane Schoenbrun
- The Riverback — Matheus Farias at Enock Carvalho
Tampok din sa festival ang iba pang sections gaya ng Before Midnight, QCSelects, Rediscovery, Dokyu Days, Screen International, at QCShorts International, na nagtatampok ng mga lokal at international short films.

Pangungunahan ng Ella Arcanghel: Awit ng Pangil at Kuko ni Mervin Malonzo ang pagbubukas ng festival, habang magsisilbing closing film ang Look Back ni Hirokazu Kore-eda.
Mapapanood ang mga pelikula sa Gateway Cineplex 18, Robinsons Movieworld Galleria, Ayala Malls Cinemas TriNoma, Fisher Box Office, at SM City Fairview Cinema.
Mabibili ang mga tiket sa halagang ₱200 kada screening.